Thursday, May 27, 2010

Tech News: Acer 5100 Series Problems

Im not a Hardcore Anti Acer... I love Acer for the last 2 years but this year was a crazy year for my Acer 5100, Keyboard, USB Port, and Touch Pad doesn't work... Argggggh... Question is WHY? I read a few forum and blogs regarding the same problems... and Presto it's the problem of almost all ACER 5100 laptop... Ayan napaingles tuloy ako.... Grrrrrr... Asar... >_<

Funny News: Woman Left on the Plane Sleeping


Lesson: wag matutulog sa sasakyan lalong lalo na sa EROPLANO!!! Itong isang babae na taga Michigan ay sumakay ng United Airlines na galing Washington papuntang Philadelphia ng mag land ang kanyan eroplano ni walang isang gumising sa kanya. As in wala... ganun... Kung hindi pa sa isang naglilinis ng eroplano di nya malalamang 4:00am na.. BTW 12:oo midnight nag land ang eroplano... ngayon balak ng babaeng kasuhan ang UA ng negligence blah blah and blah blah... Teka.. Para po sa tabi!!! woot ^^

Sports News: Clippers fans march in LA Streets for Lebron James



















Ang Los Angeles Clippers ay isang team sa NBA na napaka malas dahil ilang taon nadin silang hindi nakakapasok sa Playoffs. Sa sobrang desperado nila para makuha ang isang malufet na player (na magiging Free Agent sa susunod na season ng NBA) na si Lebron James, sila ay nag rally sa kalsada ng LA. Kaso medyo malabo na kasi matunog ang pangalan ng NEW YORK KNICKS na isa sa mga nakikipag transaction sa MVP ng liga... Kahit san mapunta si Lebron ang isang sigurado lang hindi na 23 ang magiging jersey number nya kundi 6... woot ^^

Back with a vengeance >:)

Naging super busy, na super madrama, na mahirap.... in other words rough months... pero ngayon ako'y nagbalik... woot woot... Blog MODE!!!! AT Last... !!!

Tuesday, March 9, 2010

Games: Tamagotchi


Tamagotchi

Bandai Corp.

Eto ay isang laruan na palalakihin mo ang iyong alaga sa pamamagitan ng pagpapakain, pagpapaligo, paglilinis ng bahay nya... At pag hindi mo ito nagawa mag lalayas ang alaga mo.... Nakakalungkot na hindi na muling nakabalik ang Tamagotchi simula ng itong malaos noong 90's era... Sana makabalik at maging matagumpay ulit ang mga ganitong klaseng laruan.... Miss ko na to.... GRRRR!!! >:-o

Food & Drinks : Oldskool Magnolia Chocolait


Magnolia Chocolait

Milk Chocolate Drink

Ito ang isa sa mga old skool na pagkain o inumin nung bata pa ako... Grabe yung bote pag nilagay mo sa ref tapos kunin mo pag gabi tapos pag nilabas sa ref at nagtagal sa labas eh parang na mamawis dahil sa moisture... Ay yan ang isa sa mga drinks na gusto ko maibalik sa market... Sisikat ulit yan kasi naman mas class tignan pag nasa ganyang bote... Parang sa America na inihahatid ng mga nasa van na may kasamang tinapay at keso... :)

Basta sana maibalik yung mga ganitong klaseng inumin... Bukod sa sarap di hamak na mas masustansya kesa sa mga nabibiling mga inumin dyan.....

Trivia: Oasis of the Seas


http://www.oasisoftheseas.com/

Oasis of the Seas

Cruise Ship

Ang pinaka malaking pampasaherong barko sa mundo. Ito ay kasing laki ng 4 na titanic o 4 na american football field... Ito ay maaring maglaman ng hanggang 8,600 na katao, kasama ang mga panauhin at ang mga manggagawa ng sa barko... Grabe itong barkong ito umuubos ng 80,000 bote ng beer sa loob ng isang linggo. Tinatawag na din itong ciudad dahil sa laki at dami ng taong nakasakay dito. Nililibot nito ang buong Caribbean at pinapahangga ang napakaraming tao... Grabe... Astig nitong barkong to....

Monday, March 8, 2010

Music : 7 Days Away Band

7 Days Away Band

Genre: Rock

Malupet ang bagsakan ng bandang ito parang Breaking Benjamin... Hindi ako masyadong nakikinig ng mga rock songs more on alternative ako pero astig tong bandang to... Galing! Pag ng concert sa pinas 2 isa ako sa mga unang bibili ng ticket... Lufet...

Fave Songs:
When it all falls (acoustic)
Take me away
Final Cry (acoustic)
My Time
From This Fall
The Calling


YeaH!!! \m/

Must pay a visit: SneakerNews.com


Kung mahilig kayo sa mga sapatos at gusto nyo malaman kung anong bago
etong site na to ay para sa inyo... Pero, mostly Nike ang nakapost dito... Malaki ang
paghangga ko sa mga Nike shoes kaya eto ang isang website na mai rerecommend ko...

RECOMMENDED SITE

Movie Review : Planet 51


Planet 51

Score: 8/10

REVIEW

Maganda ang graphics hands down tayo dyan... May aral kang malalaman. May Love Story na kasama narin. Talagang malayo na ang narating ng mga cartoon movie... Maganda, Enjoy panoorin... Bata, Matanda, may ngipin o wala... Etong Movie ito ay patok na patok sa inyong panlasa...



RECOMMENDED MOVIE

Friday, March 5, 2010

San banda ang: Hidalgo Quiapo


Hanap mo ba ang murang mga camera... Pumunta kana ng Hidalgo Street sa Quiapo Manila...

Dito mo makikita ang hilera ng mga camera shops... Pero ang pinaka magagandang puntahan sa mga yan... ay ang 2 shops na ito....

Mayer's at Henry's yan ang 2 shops na talagang mura ang mga camera... Wala ka ng hahanapin pa dyan sa Hidalgo... Medyo Ingat lang sa paglalakad ingat sa mga mandurukot...


Pano pumunta?
Pwede sumakay ng LRT baba ka Carriedo station tapos pasok ka SM quiapo exit ka sa Watson.. tapos ayun sa kanto lang ang shop nila... Kung Galing kang Plaza Miranda sa harap ng Quiapo Church sa kaliwa ka pupunta kung nakatalikod ka sa Quiapo Church sa kanan ka naman... Diretcho lang hanggang marating nyo ang kanto ng Hidalgo at kaboom ayun na Henry's at Mayers na...

Happy Shopping...

:)

Game Recommendation: Plants vs. Zombies

















1st Death Anniversary ni Francis Magalona

Isang taon na ng nawala ang isang haligi ng Pinoy Rap...
Isang taon na napaka bilis, pero ang init ng suporta ang patuloy na pag bibigay ng walang hanggang pagsuporta sa iisang Master Rapper na si Francis "Kiko" Magalona...

Para sa isang katulad kong humahangga sa talento at buong pagkatao ni Kiko... Isang pagsaludo sa iyo Idol...

One Love...

Must Pay a visit: Chatroulette


Chatroulette.com




Plain and simple... Basta may webcam ka or kahit wala pero mas maganda ang meron... Kung chat din lang ang hanap mo eto ang site na talagang mag papagising sayo hanggang sa humapdi na ang mata mo kaka hanap ng ka chat...

Ito ang Chatroulette... Simple punta ka lang sa CHATROULETTE.COM at presto pwede ka na mag chat... Ayos ba?

Must pay a visit: Fact Generator (Mentalfloss.com)


http://www.mentalfloss.com/amazingfactgenerator



Para sa mahilig sa facts parang si Kuya Kim Atienza... Eto ang bagay sa inyo site...
Simple pero nakakaaliw... Try nyo ng malibang kayo.... :)

Movie Review : Legion

Legion

Score: 8/10

REVIEW:

Ang mga anghel na sinugo para ubusin ang lahi ng mga tao... Inabangan ko sya kasi grabe ang ganda ng trailer nya talagang hit sa Youtube... Sa super inabangan ko sya di ko pinanood nung showing na sya sa cinema... Inintay ko nalang maging available sya sa torrent at dun ko sya dinownload... Ok lang yung mga scenes, sakto lang, si San miguel yung bida dami syang baril... Lupet ng scene yung dumating na si Gabriel (karibal ni Michael) tapos bakbakan sila... Bida nga pala rin dito si Tyrese(Too Fast Too Furious) yung bida sa Tokyo Drift at yung bida sa In good Company... Sakto lang... Medyo kulang sa fight scenes inaasahan ko may fight scenes sa heaven kaso wala... Pero Sakto lang... Mas Maganda parin yung movie na "Gabriel" Mas irerecommend ko yun...

PWEDE NA DI MASYADONG RECOMMENDED


Movie Review : Ninja Assassin

Ninja Assassin

Score: 9/10

REVIEW:

Ang masasabi ko lang malupet ang effects sa umpisa palang ng movie grabe na agad ng action.
Sa tindi ng bakbakan talagang mapapanganga ka... :-0... At first, kala ko mga tipong jackie chan type
of movie lang pero hindi rin pala.. Astig din medyo nakulangan lang ako ng konti kasi gusto ko pa ng part 2.
Gusto ko yung sya naman ang magpatuloy ng ninja clan... Pero sa effects grabe... Medyo nasobrahan ng
effect pag na puputol na yung kamay at mga parte ng katawan pero nagustuhan ko kasi parang binubuhusan
lang ng pintura... Overall Astig, Maganda, di pwede sa bata (Rated R) yata... Pero cool


RECOMMENDED MOVIE

Umpisa na ng saya....

Hi Blog World......

Welcome sa aking blog dito nyo makikita ang sari-saring mga bagay. Tulad ng mga review ng pelikula, bagong gadget, mga weirdong balita mga iba't ibang bagay na kukurot sa inyong mga utak....

Kung gusto nyong may bagong malaman, o wala lang trip nyo lang mag paantok at mag basa ng kung ano anong mga bagay...

Tara na at makisalo sa sari-saring kuro-kuro na aaliw sa inyong isipan...

Enjoy!!! :)